by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Thursday, 09 June 2016
Napasakamay na ng mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station ang isa sa mga pinaghihinalaang drug personality sa bayan ng Odiongan.
Nakilala ang suspek na si Elmer Fallarna, residente ng Barangay Liwanag ng nasabing bayan.
Nadakip ito sa pamamagitan ng isang warrant of arrest pasado alas-2 ngayong umaga sa Poctoy Port matapos na makatanggap ng tip ang mga tauhan ng PNP na darating ang suspek sakay ng barkong galing Batangas.
Paliwanag ng suspek ng makausap ng Romblon News Network, gusto niya na talaga sumuko sa mga kapulisan kaya siya umuwi ng Romblon.
Inamin niya rin na gumagamit siya at nagbebenta siya noon pero itinigil na umano niya ito.
Nakakulong na ang suspek sa Odiongan Municipal Police Station at ihaharap sa korte upang harapin ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (R.A. 9165).