by Ian Kay Faa, Romblon News | Thursday, 14 January 2016
Dumating na sa lalawigan ng Romblon ang mahigit 4,000 na food packs at ilang gamot na bigay ni Vice President Jejomar Binay na ipapamigay sa mga nasalanta ng bagyong #NonaPH sa mga bayan ng Concepcion, Banton, at Corcuera sa lalawigan ng Romblon nitong nakaraang taon.
ADVERTISEMENT
Ayon sa source ng Romblon News, inaasahang dadalhin ang mga nasabing food packs at gamot sa mga nasalantang bayan ngayong Sabado.