by Ian Kay Faa, Romblon News | Sunday, 27 September 2015
“Abangan niyo nalang sa 30th, sa Miyerkules.”
Ito ang mga binitiwang pahayag ni Oriental Mindoro Governor at Liberal Pary Treasurer Alfono Umali Jr. ng tanungin ng mga lokal na mamahayag sa Romblon nitong Sabado, September 26, patungkol sa kung pumayag na ba si Camarines Sur Representative Leni Robredo sa alok ni Mar Roxas na maging Vice President niya sa Halalan 2015. Si Umali ay nasa Romblon nitong panahon nang makapanayam ng mga media upang maging panauhing pandangal sa 3rd Quarter CY 2015 4RCDG Commanders’ Conference.
Tiwala rin si Umali na tataas pa ang rating ni Roxas sa mga survey.
Ayon kay Umali, wala na rin umanong pupuntahan ang rating ni Roxas kundi papunta na sa taas dahil galing na siya sa baba.
Sinabi rin ni Umali na pababa na ang rating ni Vice President Jejomar sa mga survey.
“Si Binay [kasi] on the way down na tapos may mga questions pa kay Grace [Poe], tiyak kung maglaban ang tatlo malayo na si Binay.”