Halos pareho tayo ng karanasan mga iho nung ako'y nasa kabataan pa lang katulad nyo, nagtatyaga sa basketball court na nasa ilalim lamang ng niyogan. Muntik-muntikan pa minsan mahulugan ng tuyong bunga ng niyog. Maalikabok kapag summer, maputik naman kapag tag-ulan.
Pero dahil sa aksyon ng mga kinauukulan, nung huli ay nagkaroon na ng kongkretong basketball court.
Maganda na nang may mapaglilibangan ang mga kabataan, nailalayo sila sa mga aktibidades na maaaring makasira sa kanilang katawan o kinabukasan katulad ng mga bisyo.
Kaya naman, nanawagan po tayo sa kinauukulan mula po sa namumuno sa Barangay Capaclan, municipal officials ng Romblon LGU, Privincial official sa pamumuno ni Gov. Lolong Firmalo, pati na kay Congressman Toto Madrona, please spare a budget for the construction of that simple basketball court para sa mga kabataan ng barangay Capaclan lalo ng Sitio Hilander.
Maraming maraming salamat po.


































