Nagkaloob ng tulong-pinansiyal ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) MIMAROPA sa mga overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang pamilya sa pamamagitan ng ceremonial cheque awarding na isinagawa kasabay ng Alagang OWWA Serbisyong Caravan nitong Nobyembre 24 sa Barangay Tulay, Odiongan, Romblon.
Kabilang sa mga programang pinagkalooban ng tulong ang OWWA Rebate Program, Death and Burial Assistance, Balik Pinas! Balik Hanapbuhay Program at Welfare Assistance Program (WAP) para sa mga may karamdaman.
Layunin ng mga programang ito na magbigay ng pinansiyal na suporta sa mga kwalipikadong dating miyembro ng OWWA, mga OFW at kanilang pamilya, depende sa uri ng tulong at mga itinakdang pamantayan ng bawat programa.
Isinagawa ang pamamahagi bilang bahagi ng pagsisikap ng OWWA na mailapit ang mga serbisyo at assistance program nito sa mga OFW at kanilang pamilya sa lalawigan.


























