Nakatanggap ng iba't ibang kagamitan ang ilang miyembro ng Magdiwang Tricycles Operators and Drivers Association (MAGTODA) mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) upang makatulong sa pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan.
Kabilang sa mga ipinagkaloob na kagamitan ang mga gulong, air pump at iba pang tools na magagamit ng mga miyembro sa kanilang hanapbuhay at operasyon ng asosasyon.
Ayon sa MAGTODA, malaking tulong ang ipinagkaloob na kagamitan dahil nagbibigay ito ng panibagong oportunidad at suporta upang higit pang mapatatag at mapalago ang kabuhayan ng mga kasapi.
Nagpasalamat naman ang lokal na pamahalaan ng Magdiwang sa DOLE-Romblon Provincial Office sa patuloy na pagsuporta sa mga programang pangkabuhayan para sa mga residente.
Partikular na kinilala ng MAGTODA sina OIC Provincial Office Head Karen A. Bugarin at Livelihood Development Specialist Reychelle V. Gabayno sa kanilang suporta at pagtulong sa asosasyon.


























