• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Saturday, November 14, 2026
28 °c
Romblon
28 ° Sun
28 ° Mon
28 ° Tue
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    Community-lead mula Sibuyan, nanawagan ng makabuluhang representasyon sa COP31 climate talks

    Community-lead mula Sibuyan, nanawagan ng makabuluhang representasyon sa COP31 climate talks

    Romblon, may direct flight na patungong Clark

    Ramos, ikinalungkot ang napaulat na pansamantalang paghinto ng biyahe ng Sunlight Air sa Romblon

    Courtesy: Bayay Sibuyanon/Rodne Galicha

    Sibuyan Island, itinampok bilang kumpletong tourism destination sa Romblon

    Cajidiocan LGU, naghahanap ng paraan upang palakasin ang lokal na industriya ng pagbaboy

    Cajidiocan, naghahanda ng assistance para sa mga magsasakang maaapektuhan ng Very Strong El Niño

    Cajidiocan, iniwasan ang tanghaliang payout para maprotektahan ang senior citizens sa heat stroke

    Cajidiocan, iniwasan ang tanghaliang payout para maprotektahan ang senior citizens sa heat stroke

    Biyahe ng RORO patungong Oriental Mindoro, suspendido na

    Cajidiocan mayor, umaasang maibabalik ang biyahe ng Starlite Ferries sa kanilang pantalan

    Cajidiocan LGU, naghahanap ng paraan upang palakasin ang lokal na industriya ng pagbaboy

    Cajidiocan LGU, naghahanap ng paraan upang palakasin ang lokal na industriya ng pagbaboy

    Construction ng bagong palengke sa Cajidiocan, sinimulan na upang palakasin ang lokal na kalakalan

    Construction ng bagong palengke sa Cajidiocan, sinimulan na upang palakasin ang lokal na kalakalan

    Kauna-unahang shopping mall sa Romblon, binuksan sa Odiongan

    Kauna-unahang shopping mall sa Romblon, binuksan sa Odiongan

  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Todo Pina: Hataw Na!

    Todo Pina: Hataw Na!

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga kabanalan sa Romblon

    Kauna-unahang indoor pickleball court sa Odiongan, pormal nang binuksan sa publiko

    Todo Pina: Pickleballmania hits Odiongan by Storm

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    Op-Ed: Modernong Terminal, Mahinang Signal

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
28 °c
Romblon
28 ° Sun
28 ° Mon
28 ° Tue
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home News Local News Sibuyan Island

Community-lead mula Sibuyan, nanawagan ng makabuluhang representasyon sa COP31 climate talks

Ana MendozabyAna Mendoza
November 14, 2026
in Sibuyan Island
Reading Time: 22 mins read
4
0
Community-lead mula Sibuyan, nanawagan ng makabuluhang representasyon sa COP31 climate talks
Share on FacebookShare on Twitter

Nanawagan ang isang lider-komunidad mula sa Sibuyan Island, Romblon, sa mga namumuno sa 31st United Nations Climate Change Conference (COP31) na tiyaking may direktang boses ang mga lokal na komunidad sa mga desisyong may epekto sa kanilang mga teritoryo, kabuhayan at likas na yaman.

Inihain ni Rodne R. Galicha, tagapangulo ng Bayay Sibuyanon Inc. – Home of Sibuyan Island Peoples, ang panawagan sa High-Level Dialogue with Local Communities ng COP31 Presidencies ng Türkiye at Australia noong Nobyembre 13 sa Antalya, Türkiye.

Kasama ni Galicha sa dayalogo ang mga kinatawan ng mga lokal na komunidad mula sa Africa, Latin America, Caribbean at Asia-Pacific upang talakayin kung ano ang climate implementation at para kanino ito isinasagawa.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Galicha na matagal nang nagsasagawa ng mga hakbang para pangalagaan ang kalikasan ang mga lokal na komunidad, bago pa man maitatag ang United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC).

Aniya, ilang henerasyon nang pinangangalagaan ng mga komunidad ang kagubatan at watershed, pinamamahalaan ang pangisdaan at pinagkukunan ng pagkain, sinusubaybayan ang pagbabago ng mga panahon, at ginagamit nang responsable ang likas na yaman.

Gayunman, nagbabala siya na nanganganib ang mga nakagawiang pamamaraang ito dahil sa mga proyektong pang-ekonomiya at pangkaunlaran na maaaring makasira sa mismong mga ekosistemang pinagmumulan ng katatagan ng mga komunidad laban sa epekto ng climate change.

“We cannot continuously ask communities to become more resilient while destroying the ecological foundations of that resilience. We cannot adapt forever,” ani Galicha.

Pagitan ng malinis na enerhiya at pagmimina

Binigyang-pansin din ni Galicha ang sitwasyon sa Sibuyan Island, kung saan nagbibigay ng tinatayang 90 porsiyento ng malinis na suplay ng kuryente ng isla ang isa sa mga pangunahing watershed nito, habang nahaharap naman ang lugar sa presyur ng pagmimina ng nickel na kaugnay ng lumalaking pandaigdigang pangangailangan para sa mga mineral na ginagamit sa energy transition.

Kinuwestiyon niya kung maituturing na makatarungan ang transisyon tungo sa malinis na enerhiya kung ang pangangailangan para sa mga mineral ay nagdudulot naman ng pagkasira ng kalikasan at mas malaking panganib sa mga komunidad na pinagmumulan ng mga ito.

“We cannot solve one part of the climate crisis by creating another crisis somewhere else,” diin niya.

Ayon kay Galicha, hindi lamang dapat sukatin ang tagumpay ng climate implementation batay sa dami ng nalilikhang kuryente, nababawasang emissions, naibibigay na pondo o nakukuhang mineral.

Dapat ding isaalang-alang kung napoprotektahan ang suplay ng tubig, kabuhayan at biodiversity, kung nagiging mas ligtas ang mga komunidad, at kung may makabuluhang papel ang mga residente sa mga desisyong nakaaapekto sa kanilang kinabukasan.

Kinilala rin niya ang pakikipag-ugnayan ng Philippine Climate Change Commission sa civil society at binigyang-diin na mas nagiging epektibo ang pagpapatupad ng mga programa kung nakikibahagi mismo ang mga komunidad sa pagpaplano at pagkilos.

Pagkilala sa sariling boses ng mga lokal na komunidad

Ipinanawagan din ni Galicha na kilalanin ang mga lokal na komunidad bilang isang hiwalay at organisadong constituency sa ilalim ng UNFCCC, na makikipag-ugnayan at makikiisa sa Indigenous Peoples ngunit may sariling representasyon.

Sinabi niyang mahalaga ang pakikipagtulungan sa Indigenous Peoples, environmental organizations at civil society networks, ngunit hindi dapat ituring ang mga lokal na komunidad bilang bahagi lamang ng environmental NGO constituency.

Aniya, ang kanilang mga paninindigan ay nagmumula sa mismong karanasan sa kanilang mga teritoryo, kabuhayan, kultura at kasaysayan.

“Partnership should not substitute for representation,” ani Galicha.

Dagdag pa niya, hindi layunin ng mga lokal na komunidad na kalabanin ang ibang sektor kundi magkaroon ng puwang upang direktang maipahayag ang kanilang mga pananaw.

Sa pagtugon sa mga panawagan, kinilala ng kinatawan ng Australian COP31 Presidency ang mahalagang papel ng mga lokal na komunidad at Indigenous Peoples sa pagkilos laban sa climate change. Binigyang-diin din nito na ang pagsasama-sama ng iba't ibang pananaw ay hindi nangangahulugang paglimot o pagsasama-sama ng magkakaibang pagkakakilanlan.

Binanggit din ng Australia ang nakatakdang pagsusuri sa 2027 ng Local Communities and Indigenous Peoples Platform (LCIPP) Facilitative Working Group, kabilang ang mga panukala hinggil sa representasyon ng mga lokal na komunidad.

Samantala, iginiit ng kinatawan ng Türkiye COP31 Presidency na hindi lamang dapat ituring na benepisyaryo ng mga programang pangklima ang mga lokal na komunidad kundi mga katuwang sa pagdidisenyo at pagpapatupad ng mga ito.

Binigyang-diin din nito ang pangangailangang makarating sa mga komunidad ang climate finance at maprotektahan ang tubig, kagubatan, biodiversity at kabuhayan bilang bahagi ng makatarungang energy transition.

Sa pagtatapos ng dayalogo, kinilala ng Türkiye Presidency ang karanasan ng Sibuyan na inilahad ni Galicha at ang kanyang paalala na hindi dapat lumikha ng panibagong suliraning pangkalikasan ang mga solusyong nililikha upang tugunan ang climate crisis.

Kaguyangan at kahalagahan ng pagbabalik sa komunidad

Sa kanyang pahayag, ipinakilala rin ni Galicha ang konsepto ng Kaguyangan sa Sibuyan, isang salitang tumutukoy kapwa sa kagubatan at sa mga nakatatanda.

Ipinaliwanag niyang sumasalamin ito sa pananaw ng mga taga-Sibuyan na ang kagubatan ay hindi lamang likas na yaman na maaaring gamitin kundi pinagmumulan din ng karunungan at kabuhayan na nag-uugnay sa mga henerasyon.

Ibinahagi rin niya ang konsepto ng Tikop, na nakaugat sa sama-samang pangingisda o panayap, bilang halimbawa ng pagtutulungan ng mga taong may magkakaibang tungkulin ngunit may iisang layunin.

Bilang pangwakas na mensahe, iniwan ni Galicha sa mga kalahok ang salitang Sibuyanon na “Makari na ako,” na nangangahulugang “uuwi na ako” o pagbabalik sa pinanggalingang komunidad.

Para kay Galicha, mahalagang hindi lamang mga kasunduan at desisyon sa papel ang maiuwi mula sa COP31 kundi mga konkretong pangakong mararamdaman ng mga komunidad sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

“When we come home from COP31, may we bring more than decisions on paper. May we bring commitments our communities can see, feel and live,” aniya.

Tags: Mining In Sibuyan

Related Posts

Courtesy: Bayay Sibuyanon/Rodne Galicha

Sibuyan Island, itinampok bilang kumpletong tourism destination sa Romblon

November 14, 2026
Cajidiocan LGU, naghahanap ng paraan upang palakasin ang lokal na industriya ng pagbaboy

Cajidiocan, naghahanda ng assistance para sa mga magsasakang maaapektuhan ng Very Strong El Niño

November 13, 2026
Leave Comment

Popular Stories

  • Todo Pina: Hataw Na!

    Todo Pina: Hataw Na!

    64 shares
    Share 26 Tweet 16
  • Karamihang kawani ng gobyerno, tatanggap ng sahod at year-end bonus sa Nobyembre 13

    41 shares
    Share 16 Tweet 10
  • Lalaking patungong Romblon, arestado sa Batangas Port dahil sa marijuana

    553 shares
    Share 221 Tweet 138
  • RSU, iba pang island universities, nagkasundo sa pagtatatag ng alyansa

    21 shares
    Share 8 Tweet 5
  • Mainit na panahon, posibleng dahilan ng paglabas ng mga ahas

    179 shares
    Share 72 Tweet 45
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

Cajidiocan LGU humingi ng clarification sa DOE sa agarang oil price rollback

41 pamilya sa Corcuera, makikinabang sa DSWD Walang Gutom Program

Karamihang kawani ng gobyerno, tatanggap ng sahod at year-end bonus sa Nobyembre 13

TRENDING FOR THE MONTH

Rider, patay sa aksidente sa Odiongan nitong Araw ng mga Santo

HS student, patay sa aksidente sa MariSur, San Andres

Clerk ng korte sa Romblon, sinibak ng Supreme Court dahil sa nawawalang ₱598,444 na pondo

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2026. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
  • Login
  • Sign Up