Dumalaw sa tanggapan ni Congressman Eleandro Jesus “Budoy” Madrona ang mga kinatawan ng Philippine Fisheries Development Authority (PFDA) upang talakayin ang panukalang pagtatatag ng fish port sa Sitio Baring, Barangay Silum, Magdiwang, batay sa resolusyong inihain ng barangay.
Kabilang sa delegasyon sina Atty. Edward Campos, Assistant General Manager; Ms. Romirose Padin, Executive Assistant ng General Manager; Engr. Erwin Delos Santos, Executive Assistant ng Assistant General Manager; Atty. Jose “Thirdy” Ruiz, Head ng Technical Services Division; at Engr. Darby Macabata ng Technical Services Division.
Kasama rin sa talakayan sina Mr. Johnny G. Santos at Mr. Arnold M. Rovira mula sa technical team, na kumatawan kay COS Denon S.F. Madrona.
Tinalakay sa pagpupulong ang kinakailangang pagsusuri at ebalwasyon sa lugar, kabilang ang mga teknikal na pangangailangan at iba pang konsiderasyon upang matukoy ang pagiging angkop ng lugar para sa isang fish port.
Mahalaga ang naturang pagsusuri upang matiyak na ang magiging pasilidad ay makatutugon sa pangangailangan ng mga mangingisda at komunidad ng Magdiwang, lalo na sa mas maayos na paghawak, pagdadala at pagbebenta ng kanilang mga produktong pangisdaan.
Ang PFDA, isang government-owned and controlled corporation na naka-attach sa Department of Agriculture, ay may mandato na isulong ang pagpapaunlad ng industriya ng pangisdaan sa pamamagitan ng mga post-harvest facilities at imprastraktura na makatutulong sa mas maayos na paghawak at distribusyon ng mga produktong pangisdaan.


























Discussion about this post