Sinimulan na ang implementasyon ng eTURO Digital Learning System sa San Agustin Central Elementary School (SACES), na nagsisilbing pilot school ng programa na naglalayong magbigay ng karagdagang digital learning resources para sa mga guro at mag-aaral.
Ang eTURO ay isang AI-powered at offline-capable learning platform na magsisilbing karagdagang kasangkapan sa pagtuturo at pagkatuto. Layunin nitong gawing mas accessible ang mga digital learning resources at suportahan ang paggamit ng teknolohiya sa edukasyon.
Ayon sa impormasyon mula kay San Agustin Mayor Aaron James Madrona, matapos ang SACES, nakaplano ring ipatupad ang eTURO sa apat pang elementary school sa bayan sa susunod na taon.
Kabilang dito ang Long Beach Elementary School, Carmen Elementary School, Cabolutan Elementary School at Doña Juana Elementary School.
Isinasagawa ang programa sa pamamagitan ng Local Government Support Fund (LGSF) na nagkakahalaga ng ₱5 milyon para sa bawat elementary school, ayon sa inilabas na impormasyon ng alkalde.
Katuwang sa inisyatiba ang DOST Philippines, Department of Science and Technology at ang tanggapan ni Congressman Eleandro Jesus “Budoy” Madrona, na kinilala ng LGU San Agustin sa kanilang suporta, inisyatiba at partnership para sa pagpapalawak ng digital learning at pagsusulong ng makabagong edukasyon sa bayan.
Inaasahang magsisilbing karagdagang learning resource ang eTURO para sa mga guro at mag-aaral at makatutulong sa pagpapalawak ng paggamit ng teknolohiya sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto sa mga paaralan sa San Agustin.


























Discussion about this post