Agad nagsagawa ng emergency clearing at desiltation operation ang Department of Public Works and Highways (DPWH) Romblon District Engineering Office at katuwang ang SIM Construction matapos umapaw ang isang creek sa Barangay San Isidro, Alcantara, Romblon kasunod ng tuloy-tuloy na pag-ulan na dala ng Habagat.
Ayon sa DPWH Romblon, agad na nag-deploy ang SIM Construction ng mga tauhan at kagamitan upang alisin ang naipong putik at debris sa creek na nakaapekto sa tatlong kabahayan.
Kabilang sa isinagawang trabaho ang dredging, desiltation at debris removal upang maibalik ang maayos na daloy ng tubig at maiwasan ang panibagong pag-apaw patungo sa mga kabahayan.
Bahagi na ng creek ang nalinis at naalisan ng naipong putik, habang tinatayang tatlong araw ang kakailanganin upang makumpleto ang buong operasyon.
Ang clearing operation ay isinagawa matapos iulat ng mga residente ang problema sa lugar na konektado sa hindi pa umano natatapos na Lawan-San Isidro Road Project, na nagdulot ng maputik at mahirap na daanan tuwing malakas ang ulan.
Nauna nang nanawagan ang residenteng si Arcelo Tan sa DPWH para sa agarang pagkumpleto ng naturang road project dahil sa pangambang maaaring maapektuhan ang mga kabahayan at kaligtasan ng mga residente kapag muling lumakas ang ulan.



































Discussion about this post