Tumanggap ng pinansyal na ayuda ang 20 Persons Deprived of Liberty (PDL) ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Romblon District Jail sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ang TUPAD ay isang community-based emergency employment program na nagbibigay ng pansamantalang hanapbuhay at tulong pinansyal sa mga kwalipikadong benepisyaryo, kabilang ang mga PDL, bilang bahagi ng kanilang rehabilitasyon at paghahanda sa muling pagbabalik sa lipunan.
Ayon sa pamunuan ng Romblon District Jail, malaking tulong ang programa hindi lamang sa pagbibigay ng agarang pinansyal na suporta kundi maging sa pagpapalakas ng pag-asa at kumpiyansa ng mga benepisyaryo na makapagsimulang muli bilang produktibong mamamayan.
Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang Romblon District Jail sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan upang mailapit sa mga PDL ang mga programang nakatuon sa rehabilitasyon, paglinang ng kasanayan, at paghahanda sa kanilang matagumpay na reintegrasyon sa kanilang mga pamilya at komunidad.
Ayon sa BJMP, ipinakikita ng TUPAD assistance ang patuloy na pagtutulungan ng DOLE at BJMP sa pagpapatupad ng mga programang nagbibigay ng pangalawang pagkakataon sa mga Persons Deprived of Liberty sa pamamagitan ng mga oportunidad sa kabuhayan at rehabilitasyon.



































Discussion about this post