Naaresto ng mga awtoridad ang Rank No. 1 Most Wanted Person sa lalawigan ng Romblon sa isinagawang operasyon sa Barangay Poblacion, Looc noong July18.
Ayon sa Romblon Police Provincial Office (PPO), ang suspek ay residente ng Barangay Buenavista, Looc at nadakip sa bisa ng isang warrant of arrest na inilabas noong July 6, 2026 ng Regional Trial Court Branch 82 sa Odiongan, Romblon.
Pinangunahan ang operasyon ng Looc Municipal Police Station (MPS) sa pamumuno ni PMAJ Richard M. Obsid, katuwang ang 1st Platoon ng Romblon Provincial Mobile Force Company (PMFC).
Nahaharap ang akusado sa tatlong kaso ng Qualified Acts of Lasciviousness at isang kaso ng Rape by Sexual Assault.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Looc Municipal Police Station ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon bago ito i-turnover sa korte.



































Discussion about this post