Inilunsad ng Montenegro Shipping Lines ang Online Booking System para sa ilan sa mga pangunahing ruta nito, kabilang ang Batangas–Odiongan.
Simula July 16, 2026, maaari nang mag-book online ang mga pasahero para sa rutang Batangas–Odiongan. Available na rin ang online booking para sa mga rutang Batangas–Calapan City, Batangas–Abra de Ilog, at Batangas–Puerto Galera.
Sa pamamagitan ng online booking system, maaaring bumili ng tiket ang mga pasahero sa pamamagitan ng opisyal na website ng kumpanya sa Montenegro Shipping Lines Online Booking.
Nilinaw ng Montenegro Shipping Lines na patuloy pa rin itong tatanggap ng walk-in passengers sa mga ticketing counter para sa mga nais bumili ng tiket nang personal.
Batay sa kasalukuyang sistema, hindi pa available ang online booking para sa same-day travel, kaya pinapayuhan ang mga pasahero na mag-book nang mas maaga upang matiyak ang kanilang reservation.
Ayon sa Montenegro Shipping Lines, ang online booking system ay bahagi ng pagpapalawak ng mga serbisyo nito para sa mga pasahero.



































Discussion about this post