Pormal nang itinurnover ng Pamahalaang Panlalawigan ng Romblon ang dalawang bagong patrol jeep na ipinagkaloob sa lalawigan sa tulong ni Senator Erwin Tulfo.
Pinangunahan ang turnover ceremony na ginanap sa Odiongan nina Governor Trina Alejandra Q. Firmalo-Fabic, Odiongan Mayor Roger Fodra, at kinatawan ni Senador Tulfo na si Nick Ferrer.
Pormal namang tinanggap ni Col. Rexton Sawi, hepe ng Romblon Police Provincial, ang mga sasakyan.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, gagamitin ang mga bagong patrol jeep ng Odiongan Municipal Police Station at Romblon Municipal Police Station upang mapalakas pa ang police visibility at seguridad sa kanilang mga nasasakupan.
Inaasahan ding makatutulong ang mga sasakyan sa mas mabilis na pagtugon ng kapulisan sa mga insidente at pagpapatrolya sa mga komunidad.
Nagpasalamat naman ang mga opisyal ng Romblon Police Provincial Office sa ipinagkaloob na mga sasakyan na magagamit umano sa pagpapatupad ng peace and order programs sa lalawigan.



































Discussion about this post