Sumungkit ng iba't ibang award ang mga pambato ng Romblon State University (RSU) sa ginanap na 2022 Southern Tagalog Regional Association of State Universities and Colleges (Strasuc) – Culture and the Arts Festival sa Batangas City.
Katunggali ng RSU ang iba't ibang State Universities at Colleges sa buong rehiyon ng Mimaropa at Calabarzon.
Pinakamataas na nakuha ng RSU ay Champion matapos makuha ito ng artist na si Vincent Paul Morada sa Visual Art's On-the-spot Poster Making category.
Champion rin ang nakuha ng instrumental solo artist na si Michael Angelo Falcan matapos magwagi sa Music – Instrumental Solo Classical Guitar category.
Third place naman ang nakuha ng singer na si Jaira Mae Caniendo sa kategoryang Music-Vocal Solo; habang Fourth Place si Maria Theresa Fajilagmago sa Music – Instrumental Solo Banduria at ganun rin ang RSU Folk Dance Group sa Folk Dance Competition.
Fifth Place naman ang nakuha nina Amira Vicente sa Visual Art's Charcoal Rendering; Mel Andrew Garcia sa Instrumental Solo Violin; John Imfernee Gaac sa Instrumental Solo Piano; at Rovelyn Regala sa Kundiman.
Noong unang araw ng Strasuc 2022, sinabi ni Strasuc President Dr. Levy Arago Jr. sa GMA Balitang Southern Tagalog na mahalaga umano ang mahalaga umano ang arts and culture sa buhay ng tao.
“Hindi ibig sabihin na ikaw ay dini-develop para maging Engineer at Doctor ay mawawala na ‘yung arts and culture. Kasi kung tinalikuran natin ‘yun parang tinalikuran na rin natin ‘yung ating history,” pahayag ni Dr. Arago.
Ginanap ang Strasuc 2022 Culture and the Arts Festival mula November 15 hanggang 18.


































