Umabot na sa 842 benepisyaryo sa lalawigan ng Romblon ang nakatanggap ng tig-₱4,000 pinansyal na tulong sa pamamagitan ng manual payout sa ilalim ng UPLIFT Assistance Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) MIMAROPA, batay sa provincial accomplishment report hanggang Nobyembre 17, 2026.
Katumbas ito ng 14.63 porsiyento ng kabuuang target na 5,754 benepisyaryo sa lalawigan para sa Tranches 3 at 4.
Sa kabuuan, umabot na sa ₱3.368 milyon ang naipamahagi sa pamamagitan ng manual payout sa 842 benepisyaryo.
Nilinaw na ang nasabing bilang ay para lamang sa mga nakatanggap ng tulong sa pamamagitan ng manual payout. May iba pang benepisyaryo na nakatanggap na ng kanilang ayuda sa pamamagitan ng e-wallet, kaya hindi nangangahulugang ang 4,912 na hindi kabilang sa manual payout accomplishment ay hindi pa nakatatanggap ng tulong.
Patuloy na isinasagawa ng DSWD MIMAROPA ang pamamahagi ng cash assistance sa mga kwalipikadong pamilya sa ilalim ng programa.
Layunin ng UPLIFT Assistance Program na magbigay ng karagdagang suportang pinansyal upang makatulong sa pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan at pang-araw-araw na gastusin ng mga benepisyaryo.


























