Nakumpirma sa pamamagitan ng DNA testing na kabilang sa mga nasawi sa sunog sa M/V June Aster si Jonas Rivas, isa sa dalawang residente ng Sibuyan Island na naiulat na nawawala matapos ang insidente sa karagatan ng Coron, Palawan.
Samantala, wala pang inilalabas na resulta ng DNA testing para sa kasama niyang si John Rey Marin, na nananatiling hindi pa nakukumpirma ang kalagayan batay sa impormasyong makukuha sa ngayon.
Sina Rivas, 28, at Marin, 35, ay kapwa manggagawa ng Alumpich Company na nakabase sa Cavite. Naiulat na bumiyahe sila patungong Coron upang bumisita sa isang project site nang masunog ang M/V June Aster noong September 9, 2026.
Nauna nang iniulat ng Romblon News Network ang pagkawala ng dalawang taga-Sibuyan matapos ang insidente.
Patuloy na hinihintay ang resulta ng DNA testing ni Marin upang matukoy ang kanyang kalagayan at mabigyan ng malinaw na impormasyon ang kanyang pamilya.


























