Umabot sa 483 benepisyaryo sa bayan ng Romblon ang nakabili ng bigas sa halagang ₱20 kada kilo sa ilalim ng KADIWA ng Pangulo, isang programa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Batay sa talaan ng Lokal na Pamahalaan ng Romblon, nasa 70 porsiyento ng mga nakabili ay mula sa sektor ng mga mangingisda.
Kabilang din sa mga benepisyaryo ang mga senior citizen, persons with disabilities (PWDs), solo parents at tricycle drivers.
Isinagawa ang programa sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan at Department of Agriculture (DA) – Agricultural Marketing Assistance Division, alinsunod sa mga itinakdang alituntunin para sa bawat sektor.
Layunin ng KADIWA ng Pangulo na makapagbigay ng abot-kayang bigas sa mga kwalipikadong benepisyaryo, partikular sa mga sektor na nangangailangan ng suporta sa kanilang pang-araw-araw na gastusin.


























