Nag-aalok ang ISIAH Hospital and Medical Center sa Barangay Tulay, Odiongan ng Extended Maternity Care Benefits para sa mga nagdadalang-tao, kabilang ang prenatal check-up, panganganak at postnatal care.
Batay sa inilabas na impormasyon ng ospital, kabilang sa benepisyo ang libreng antenatal o prenatal check-up para sa mga buntis na nagpapatingin sa kanilang pasilidad.
Tumatanggap din ang ISIAH Hospital ng mga pasyenteng manganganak sa pamamagitan ng normal delivery o cesarean section (CS).
Bahagi rin ng maternity care package ang postnatal check-up para sa ina at sanggol matapos manganak. Nakasaad na mayroong tatlong postnatal check-up na maaaring isagawa para sa follow-up na pangangalaga sa kalusugan ng mag-ina.
Ayon sa ospital, layunin ng mga serbisyong ito na matiyak ang tuloy-tuloy na pangangalaga sa kalusugan ng mga ina at kanilang mga sanggol mula prenatal hanggang matapos ang panganganak.
Ang prenatal check-up sa ISIAH Hospital ay isinasagawa tuwing Miyerkules, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.
Matatagpuan ang ISIAH Hospital and Medical Center sa Barangay Tulay, Odiongan, Romblon. Para sa mga katanungan at iba pang detalye, maaaring makipag-ugnayan sa ospital sa 0908-967-0808.



































Discussion about this post