Sinimulan na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Romblon ang rehabilitation at improvement ng provincial road sa Barangay Marigondon, Cajidiocan na nagkakahalaga ng ₱2.492 milyon.
Batay sa project billboard, ang proyekto ay ipinatutupad ng Office of the Provincial Engineer at isinasagawa ng Mt. Guiting-Guiting Construction.
Kabilang sa mga gagawin sa proyekto ang pagsasagawa ng 640 square meters ng Portland Cement Concrete Pavement (PCCP), 133.5 cubic meters ng Aggregate Subbase Course, at 178 square meters ng Common Borrow upang mapalawak at mapatatag ang kalsada.
Layunin ng proyekto na mapabuti ang kondisyon ng provincial road upang maging mas ligtas at mas mabilis ang paglalakbay ng mga residente at motorista, lalo na sa panahon ng tag-ulan.
Nagsimula ang proyekto noong July 1, 2026 at inaasahang matatapos sa loob ng 60 calendar days, o sa August 29, 2026.
Sa kasalukuyan, nagsasagawa na ng site preparation at paghuhukay ang mga manggagawa gamit ang mga heavy equipment bilang paghahanda sa pagsisimula ng pagsisemento ng kalsada.
Inaasahang makikinabang sa proyekto ang mga residente ng Sitio Pajo at mga karatig na lugar, kabilang ang mga magsasaka, estudyante, at iba pang regular na gumagamit ng naturang kalsada, sa pamamagitan ng mas maayos, ligtas, at episyenteng biyahe.



































Discussion about this post