Namahagi ng tulong ang Office of the Vice President sa ilalim ng PagbaBAGo: A Million Learners Campaign sa lalawigan ng Romblon kung saan 559 na mag-aaral ang nabigyan ng bagong PagbaBAGo bags.
Ang bawat bag ay naglalaman ng mga pangunahing school supplies, dental kits, at raincoat na makatutulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral.
Kabilang sa mga paaralang binisita ng mga kawani ng OVP ang Agbay-ang Elementary School, Bagsik Elementary School, Punta Elementary School, at Alcantara Central Elementary School, kung saan sinalubong ng mga guro at mag-aaral ang pamamahagi ng tulong.
Ayon sa OVP, ang aktibidad sa Romblon ay bahagi ng mas malawak na layunin ng programa na makapamahagi ng isang milyong school bags sa buong bansa bago matapos ang taong 2028


































