Nasunog ang bahay ng isang barangay kagawad sa Sitio Tabunan, Barangay San Roque, Corcuera, Romblon, hapon ng Sabado, Enero 17.
Ayon sa pulisya, iniwan umano ng asawa ni Kagawad Mary Grace Falic ang nilulutong pagkain para sa baboy at ipinagbilin sa kanyang asawa, subalit nakalimutan ito hanggang sa magliyab at magsimula ang sunog.
Mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang bahay at sinabayan pa ng malakas na hangin.
Wala umanong naisalbang gamit ang pamilya.
Patuloy pang inaalam ng Bureau of Fire Protection (BFP) Corcuera ang kabuuang halaga ng pinsala na dulot ng sunog.


































