Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang isang lindol na may lakas na Magnitude 2.0 sa bahagi ng San Andres, Romblon, nitong Huwebes ng gabi, Setyembre 25.
Ayon sa Phivolcs, naganap ang pagyanig bandang 10:13 PM na may lalim na 10 kilometro.
Natukoy ang lokasyon ng lindol humigit-kumulang 11 kilometro hilagang-kanluran ng San Andres.
ADVERTISEMENT
Wala namang naitalang pinsala o inaasahang aftershocks mula sa naturang pagyanig, ayon sa PHIVOLCS.




































