Sugatan ang isang police officer mula sa Calatrava Municipal Police Station matapos sumalpok ang kanyang minamanehong motorsiklo sa isang pickup truck sa Barangay Balogo, Calatrava, Romblon pasado alas-2 ng hapon nitong Miyerkules, August 13.
Batay sa ulat ng Romblon Police Provincial Office, patungo sa Barangay Poblacion ang pulis nang mangyari ang aksidente.
Habang binabaybay ang national road, bigla umanong kumabig ang rider na police papunta sa linya ng pickup, dahilan para umiwas ang driver ng pickup ngunit kumabig ulit sa kanan ang police dahilan para magsalpukan silang dalawa.
Tumilapon ang pulis at nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Agad siyang isinugod sa San Andres Municipal Hospital para sa medikal na atensyon.
Samantala, dinala sa Calatrava Municipal Police Station ang driver ng pickup para sa imbestigasyon.