Isang mahinang lindol na may lakas na magnitude 2.1 ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa bayan ng San Andres, Romblon ngayong Lunes, Agosto 11, bandang 1:31 ng hapon.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang epicenter nito sa layong 16 kilometro hilagang-kanluran ng San Andres, sa lalim na 33 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plates.
Walang naiulat na naramdamang intensity sa mga karatig na lugar at wala ring inaasahang pinsala o aftershocks mula sa naturang pagyanig.


































