Nagpapagaling ngayon sa ospital ang isang magsasaka sa San Jose, Carabao Island, Romblon matapos itong masaksak ng kanyang kainuman dahil sa pagtatalo.
Ayon sa ulat ng Romblon Police Provincial Office, nakatanggap sila ng sumbong mula sa Barangay Tanod tungkol sa insidente na nangyari malapit sa barangay hall bandang 10:30 ng gabi noong Agosto 9. Pinag-ugat ito ng pagtatalo ng suspek at biktima.
Habang nag-iinuman ang dalawa sa harap ng isang tindahan, nagkaroon sila ng alitan at nagsuntukan. Nang umatras ang biktima, bigla siyang sinugod at sinaksak ng suspek gamit ang isang patalim.
Agad tumakas ang suspek ngunit kalaunan ay naaresto rin ng mga pulis na rumesponde sa insidente.
Dinala sa ospital ang biktima upang gamutin ang mga sugat.
Kasong homicide ang nakahanda laban sa suspek.



































