Suportado ni Calatrava, Romblon Mayor Robert Fabella ang bagong kautusan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nagbabawal sa online gambling sa lahat ng opisina ng lokal na pamahalaan.
“Our Local Government shall strictly enforce this policy to uphold the highest standards of ethics, integrity, and professionalism in public service,” pahayag ni Fabella.
Aniya, layunin ng pagbabawal na ito na maiwasan ang anumang gawain ng mga kawani na makakaapekto sa kanilang trabaho, makakasira ng tiwala ng publiko, at makadadungis sa reputasyon ng kanilang tanggapan.
Nagpaalala rin ang alkalde na ang mga lalabag ay maaaring maharap sa kaukulang disciplinary action alinsunod sa mga patakaran ng Civil Service Commission at ng DILG.
“Our mandate is to serve with honesty, efficiency, and without any conflict of interest against the welfare of the public… It is therefore the duty of every personnel to protect the good name of our office and be a role model of upright living in our community,” dagdag pa ni Fabella.
Batay sa memorandum ng DILG, ipinagbabawal sa lahat ng kawani at opisyal ng DILG, mga attached agencies nito, at lahat ng halal at itinalagang opisyal ng lokal na pamahalaan ang pag-access sa online gambling platforms o pagsasagawa ng anumang uri ng online gambling.