Masayang tinanggap ni Lolo Teotimo ng Barangay Mahaba, Corcuera, Romblon ang P50,000 na cash incentive mula sa pamahalaang panlalawigan ng Romblon ngayong Martes, August 5, bilang pagkilala sa kanyang ika-95 na kaarawan.
Ang insentibo ay bahagi ng programang nakasaad sa ordinansa ng lalawigan na nagbibigay ng ayuda sa mga senior citizen na umaabot sa milestone age, bilang pagkilala sa kanilang kontribusyon sa lipunan.
Ayon sa kanyang apo na si Irish Fejer, gagamitin umano nila ang natanggap na insentibo sa pang-emergency at maintenance medicine ni Lolo Teotimo.
Nagpapasalamat din ito at kanilang pamilya sa pamahalaang panlalawigan ng Romblon, lalo na umano kay Governor Trina Firmalo-Fabic na persona na nag-abot ng ayuda kasama ang mga opisyal ngg lokal na pamahalaan ng bayan.


































