Magbibigay ng cash incentive ang lokal na pamahalaan ng Cajidiocan, Romblon sa mga high school students na makakakuha ng honor o academic distinction bilang pagkilala at suporta sa kanilang pagsusumikap sa pag-aaral.
Ayon kay Mayor Greggy Ramos, inaprubahan na ng LGU ang rekomendasyon na maglaan ng P500 na cash incentive para sa bawat Grade 7 hanggang Grade 12 student mula sa apat na high school sa bayan—Cajidiocan National High School (CNHS), Lorenzo Escopete National High School (LENHS), Cambalo National High School (CambaloNHS), at Danao National High School (DanaoNHS).
Ang insentibo ay ibibigay tuwing pagtatapos ng school year sa mga estudyanteng makakakuha ng karangalan.
Magsisimula ang implementasyon ng programa sa susunod na taon.
“Ito po ay hakbang ng inyong Mayor para mas marami pang mga Batang Caji o Estudyanteng Cajidiocanon ang magsumikap na mag-aral ng mabuti at ireward din sila sa kanilang pagsasakripisyo sa ngalan ng edukasyon,” pahayag ni Mayor Ramos.
Discussion about this post