Isinugod sa ospital si alyas E, 44, matapos masugatan sa mukha at balikat sa insidente ng pagtatalo at pananaga na naganap nitong Linggo sa Sitio Ilaya, Barangay Concepcion Sur, Santa Maria, Romblon.
Ayon sa ulat ng pulisya, lasing na naghamon ng away si alyas E sa ka-barangay na si alyas B, 32.
Sinubukang pumasok ni alyas E sa compound ni alyas B habang patuloy ang kanyang hamon ng away. Dahil sa takot, kumuha ng sundang si alyas B at binalaan si alyas E na huwag pumasok. Gayunpaman, sumugod umano si alyas E, kaya't, bilang self-defense, hinampas siya ni alyas B gamit ang sundang.
Naawat ang dalawa ng isang witness sa lugar.
Agad na dinala si alyas E sa Don Modesto Formilleza Hospital sa Looc, Romblon, para sa agarang medikal na atensyon, habang si alyas B ay inaresto ng mga rumespondeng pulis para sa karagdagang imbestigasyon.


































