Mas madali na ngayon para sa mga bisita na marating ang tanyag na Cajidiocan View Deck sa bayan ng Cajidiocan, Sibuyan Island, Romblon, matapos ang pagpapaganda ng access road papunta sa lugar.
Ayon kay Romblon District Engineer Elena Castilan, nakapagtapos na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng 400 metrong sementadong kalsada, bagama’t hindi pa lubos na kumpleto ang proyekto.
Kasama sa mga inisyatibong isinagawa ang pag-aayos ng ilang culvert, paglalagay ng pavement markings, at paglalagay ng warning signs para sa kaligtasan ng mga motorista.
Inaasahan na ang nasabing proyekto ay magpapalakas ng turismo sa bayan, dahil magiging mas maginhawa at ligtas ang pagbisita ng mga turista sa Cajidiocan View Deck, isa sa mga sikat na destinasyon sa lugar.
Discussion about this post