Nakatakdang simulan sa susunod na linggo ang pagsasaayos ng bagong roll-on roll-off (RORO) ramp sa Corcuera Port, Simara Island, Romblon, sa ilalim ng P20 million proyekto ng Department of Transportation (DOTr). Inaasahan itong matatapos sa Mayo 2025.
Isinagawa na noong October 17 ang groundbreaking ceremony para sa proyekto, na pinangunahan ni Corcuera Mayor Elmer Fruelda. Ayon sa kanya, malaki ang magiging kontribusyon nito sa pagpapalakas ng kalakalan at turismo sa isla.
Ayon kay DOTr Undersecretary for Maritime Elmer Sarmiento, makakatulong ang proyekto para sa mas epektibong pag-export ng mga cattle, sheep, at iba pang lokal na produkto ng isla.
Maalalang noong Hunyo ay pumirma si Sarmiento at Fruelda sa isang memorandum of agreement para sa pag-sasaayos ng pantalan.