Ipinapatawag ng Land Transportation Office (LTO) ang isang rider na nahulicam na pasaway na nagmamaneho ng motorsiklo sa bahagi ng Tablas Circumferential Road sa Alcantara papuntang Santa Maria kamakailan
Sa video, makikita ang rider na nagmamaneho ng motorsiklo habang wala sa tamang upo, biglang lumiliko-liko, at nagmamaneho gamit ang isang kamay kahit delikado ang kanyang posisyon.
Ayon kay Jocelyn Rillo ng LTO Romblon, papadalhan ang rider ng show cause order at ipapatawag sa LTO San Agustin sa mga susunod na araw.
Natukoy na rin umano ng ahensya ang pagkakakilanlan ng nasabing rider.