Nagkaloob ng artipisyal na kamay at paa sa mga persons with disability ng Cajidiocan ang lokal na pamahalaan nitong Huwebes sa pangunguna ni Cajidiocan Mayor Marvin Ramos katuwang ang opisina ng Municipal Persons with Disability Affairs.
Labin-apat na PWD o amputees ang nakatanggap ng mga ito mula sa Artificial Leg Philippines.
Ayon kay Ramos, palagi nilang binibigyang-priyoridad at halaga ang mga residente ng Cajidiocan na may kapansanan, na layuning mapabuti ang kanilang buhay.
Bakas sa mukha ng mga benepesyaryo ng tulong ng pamahalaang lokal ang labis na kagalakan at pasasalamat sa walang sawang pagbibigay-priyoridad sa kanila.