Sugatan ang dalawang magkapatid na lalaki sa bayan ng Looc, Romblon matapos silang manlaban sa mga pulis na rumesponde sa kanilang Barangay kasunod ng sumbong ng isang kagawad na nambabato umano ng bahay ang dalawa nitong Sabado ng gabi.
Kinilala ang mga suspek na sina Antonio at Amador Gaa, pawang mga residente ng Barangay Limon Norte habang ang mga biktima ay ang mga rumespondeng pulis sa lugar na sina PSSG Josephus Galisanao, at PSSG Joenary Baladjay.
Nang makilala umano ng suspect na si Antonio ang mga pulis bigla nalang itong kumuha ng pala at pinalo sa ulo ang pulis na si Galisanao mabuti na lamang umano at nasagang nito ng kamay. Sinubukang muli ng suspek na paluin ng pala ang pulis ngunit dito na siya binaril sa paa.
Nang makita ng kapatid nito ang nangyari, kinuha umano nito ang pala at sinubukang paluin din ang pulis ngunit napigilan ito ng pulis na si Baladjay matapos barilin nito si Amador sa paa.
Aged naming dinala ng mga pulis kasama ang mga bombero ng Looc ang dalawang suspek sa Don Modesto Formilleza Hospital para ipagamot. Inaresto sila sa ospital kinalaunan.
Mahaharap ang mga ito sa kasong disobedience upon agent of person in authority, alarms and scandal at attempted homicide.