Binisita ni Senator Bong Go ang ginagawang rehbalitasyon ng ML Quezon Street sa Cajidiocan, Romblon nitong Martes, April 9, kasabay nang kanyang pagbisita sa isla ng Sibuyan para sa 2024 Provincial Athletic Meet.
Ayon sa Senador, sinuportahan nito ang pagpopondo sa pagsasaayos sa kalsada para maipagpatuloy ang pagsesemento nito.

Sa isang press release ni Go, sinabing malaking bagay umano ang bagong kalsada sa patuloy na pag-unlad ng pamumuhay at transportasyon sa munisipalidad.
“Hindi lang ito simpleng kalsada, kundi isa itong daan patungo sa ikagiginhawa ng mga taga-Cajidiocan,” ayon sa press release.