Nagsimula na nitong April 9 ang 2024 Provincial Athletic Meet na ginaganap sa bayan ng Cajidiocan, Romblon.
Nilahukan ito ng may aabot sa 3,500 na mga atleta at coaches mula sa iba’t ibang paaralan sa buong lalawigan.
Naging tagapagsalita sa programa si Senator Bong Go na pinuri at binigyang-pugay ang mga atletang lumahok sa patimpalak.
Aniya, kasabay ng Araw ng Kagitingan, mahahalintulad din sa kabayanihan ang mga atletang handang ipakita ang resulta ng kanilang walang sawang pag-eensayo, ang mga guro at coach na walang pagod na nagbibigay gabay, at mga magulang na walang sawang sumusuporta sa kanilang mga anak.
Buong linggo gaganapin ang patimpalak sa bayan ng Cajidiocan.