Nagpatupad ng price freeze para sa Liquified Petrolium Gas (LPG) at kerosene ang Department of Energy sa bayan ng San Andres, Romblon matapos itong isailalim sa State of Calamity dahil sa El Niño.
ADVERTISEMENT
Ayon sa advisory ng DOE, hindi pinapahintulutan sa mga nasabing lugar ang paggalaw ng presyo sa nasabing mga produkto sa loob ng labing limang araw maliban kung may roll back sa mga presyo nito.
Ang mga mahuhuling lalabag sa price freeze ay posibleng mapatawan ng multang P5,000 to P 1 million at kulong na 1 hanggang 10 taon.