Isang 59 anyos na lalaki sa San Fernando, Romblon ang inaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agencymat Romblon Police Provincial Office matapos di umanong mabilhan ng pinaghihinalaang shabu sa isang buy-bust operation nitong umaga ng Miyerkules, April 24.
Kinilala ng mga pulis ang naarestong suspek na si Generoso Ramo, residente ng Barangay Otod.
Ayon sa ulat ng pulisya, nabilhan di umano ang suspek ng isang sachet ng pinaghihinalaang shabu sa halagang P1,000.
Nakakulong na ito ngayon at mahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.