Nitong Huwebes ay namahagi ng ayuda si Senator Bong Go sa may 500 residente ng Cajidocan, Romblon na kabilang sa mga walang trabaho sa bayan.
Ang mga benepisyaryo ay nakatanggap ng grocery kagaya ng bigas at delata, vitamins, damit, at ilang mga bola.
Naging katuwang ni Senator Bong Go sa relief activity sina Congressman Budoy Madrona, Governor Otik Riano, Vice Governor Arming Gutierrez, Mayor Marvin Ramos, Vice Mayor Ken Rabino, at iba pang miyembro ng sangguniang bayan.
Ang mga displaced workers na ito ay binigyan din ng tulong ng Department of Labor and Employment sa pamamagitan ng kanilang TUPAD program o ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers.
“Patuloy po tayong magtutulungan upang mas mapabuti pa ang kalagayan ng ating disadvantaged at displaced workers,” pahayag ng Senador.