Binuksan na sa bayan ng Alcantara, Romblon ang ika-12 Negosyo Center ng Department of Trade and Industry sa probinsya ng Romblon.
Pinangunahan nina DTI Romblon OIC Provincial Director Orville Mallorca at Mayor Riza Pamorada ang pagpapasinaya ngayong araw, March 4, sa bagong Negosyo Center na matatagpuan sa ikalawang palapag ng Alcantara Municipal Hall.
Sa nasabing Negosyo Center, puwedeng mag-asikaso ang mga negosyante ng bayan kanilang transaksyon sa DTI kagaya ng Business Name Registration, Business Advisory Services, Business and Consumer Advocacies, Product Development and Promotion, Financial Management, at investment options.
Inaasahan ni Mallorca na ang bagong center na ito ay malaki ang magiging ambag at tulong sa mga negosyante sa bayan.