Sinuspende ng Sangguniang Bayan ng Cajidiocan ang punong barangay ng Barangay Gutivan dahil sa reklamong grave misconduct.
Ayon sa Cajidiocan Public Information Office, ang punong barangay ay kinasuhan sa Sangguniang Bayan ng grave misconduct, dishonesty, at abuse of authority kamakailan at matapos ang ilang hearing ay napatawan na ito ng kaukulang parusa.
“Pagkalipas ng ilang hearing ay napatunayan ng Sangguniang Bayan na guilty si PB Quintero sa kasong Grave Misconduct,” ayon sa pahayag ng Cajidiocan PIO.
Isang buwang suspendido si Punong Barangay Lucia Quintero dahil sa kaso.
Pansamantalang humahalili bilang Punong Barangay ng Gutivan si Kagawad Michael Ayate.