Nailigtas ng mga crew ng MB Corcuera Liner 8 ang isang mangingisdang palutang-lutang sa dagat kasama ng kanyang tumaob na bangka bago magtanghali nitong Lunes, February 26.
Kinilala ng Philippine Coast Guard ang mangingisda na si Segundo Naron, residente ng Brgy. Lonos, Romblon, Romblon.
Ang aksidente ay nangyari sa pagitan ng isla ng Tablas at Simara sa probinsya ng Romblon.
Ayon sa mga saksi, agad na ni-rescue ng mga crew crew ng MB Corcuera ang mangingisda matapos nila itong matanaw habang bumabiyahe sila papuntang Simara.
Kwento ni Naron, habang nangingisda umano ito malapit sa Barangay Linao sa Calatrava, bigla nalamang umano siyang nakaranas ng malalakas na alon dahilan para lumubog ang kanyang bangka.
Nasa bayan na ngayon ng Corcuera ang nasagip.