Nadakip ng mga tauhan ng kapulisan sa San Andres, Romblon ang itinuturing ng kapulisan na nasa most wanted list ng lalawigan ng Romblon.
Ang suspek, si Lorenz Alojado, ay wanted sa dalawang counts ng rape.
ADVERTISEMENT
Ayon sa police report mula sa Romblon Police Provincial Office, ang suspek ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 82 nitong February 5.
Walang inirekomendang piyansa sa suspek habang dinidinig ang kanyang kaso.