Sisimulan nang itayo ng pamahalaang lokal ng Concepcion, Romblon ang kanilang kauna-unahang water dam na pinondohan ng aabot sa P14.8 million.
Sa ginanap na capsule laying ceremony kamakailan, sinabi ni Concepcion Mayor Nicon Fameronag na magiging ang dam para magkaroon ng water sufficiency ang isla at makakatulong para mas palaguin ang pagsasaka, ekonomiya, at negosyo.
Ang dam ay itatayo sa Sitio Gaylang, sa Barangay Calabasahan, na sagana sa tubig mula sa isang bukal.
“Water is life and by harnessing nature through this small water dam, we are taking a giant step towards ensuring the availability of safe water for our people, which is one of the UN’s Sustainable Development Goals,” ayon sa pahayag ng alkalde.
Kapag natapos ang proyekto, inaasahang makakapag-bigay ito ng malinis na tubig sa Barangay Calabasahan, Sampong at ilang bahagi ng Bachawan.