Nasunog pasado alas-12 ng hatinggabi ng Lunes ang isang palapag na bahay sa Barangay Batiano, Odiongan, Romblon.
Ayon sa ulat ng pulisya, walang tao sa bahay na pagmamay-ari ni Jingle Famero Sy nang mangyari ang sunog dahil ang pamilya nito ay dumalo sa graduation ceremony ng kanyang anak sa Manila.
Agad naman umong rumesponde ang mga tauhan ng Odiongan Fire Station sa sunog kasama ang Odiongan Municipal Police Station para apulahin ito.
Naideklarang fire-out ang sunog pasado ala-una na ng madaling araw.
Ayon sa mga residente sa lugar, walang naisalbang gamit ang pamilya mula sa loob ng bahay.
Patuloy na iniimbestigahan ng Odiongan Fire Station ang posibleng pinagmulan ng sunog at halaga ng pinsala nito.