Nasawi ang dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo matapos silang maaksidente hapon ng Sabado sa Barangay Campalingo sa San Fernando, Sibuyan Island.
Ang dalawa ay kinilalang sina Erwin Purisima Romero, 32, at Sonny Rutor, 33.
Sa imbestigasyon ng San Fernando Municipal Police Station, ang dalawa ay patungo umano ng Barangay España nang mangyari ang aksidente. Habang binabaybay umano ang national road, nawalan ng kontrol si Romero sa minamaneho nitong sasakyan dahilan para sumalpok ang dalawa sa pader ng Relox residence sa lugar.
Nagtamo ng seryosong sugat ang dalawa. Sinugod sa Rural Health Unit si Rutor ngunit idineklarang dead on arrival habang ang driver namang si Romero ay nasawi kalaunan sa Sibuyan District Hospital.
Ayon sa kapulisan, tanggap na ng pamilya ng dalawang nasawi na aksidente ang nangyari.