Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Carabao Island ang isang mangingisdang sakay ng nasiraang bangkang Aldrich Mae nitong Martes.
Ang mangingisdang si Aldrin Forteza, 29, ay nangingisda umano sa lugar nang masiraa ang makina ng bangka kaya ito humingi ng tulong.
Agad namang tumungo ang mga tuahan ng Coast Guard Sub Station Carabao Island sa lugar para magsagawa ng search and rescue operation.
Ligtas na ang lagay ni Forteza at kasalukuyang nanatili sa station ng PCG sa San Jose kung saan siya dinala matapos na mailigtas sa dagat.