Dalawang residential house sa Barangay Poblacion sa Magdiwang, Romblon ang nasunog nitong unang araw ng 2024, ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection.
Batay sa ulat, pasado alas-5:30 nang umaga nang magsimula ang sunog na nakaapekto sa dalawang bahay na pagmamay-ari nina Meynard Rovira and Ronnie Romillo.
Agad itong kumalat dahil maraming light material sa dalawang bahay.
Umabot ng first alarm ang sunog na tumagal ng halos isang oras bago naapula ng mga rumespondeng bombero ng Magdiwang Fire Station.
Iniimbestigahan na ang insidente kung saan nagsimula ang sunog at kabuoang pinsala nito.