Nasawi ang isang 65-anyos na lolo sa Sitio Proper, Brgy. Agpudlos, San Andres, Romblon matapos itong madulas sa isang irrigation canal at malunod nitong madaling araw ng December 22.
Ang biktima ay kinilalang si Ernesto Faller Factor, residente ng nasabing lugar.
Ayon sa imbestigasyon ng San Andres Municipal Police Station, huling nakita gabi ng December 21 ang biktima na umiinum sa labas ng bahay ng kanyang anak malapit sa irrigation canal.
Sinubukan pa nilang irevive ang biktima ngunit bigo sila at idineklara rin itong dead on arrival sa San Andres Municipal Hospital.
Kumbinsido ang pamilya ng senior citizen na walang foul play sa nangyari at aksidente ang nangyari kaya nasawi si Factor.